bATA
July 21, 2009bakas na sa iyong pagkatao ang kapaguran.Ang dating malago’t kulay itim na hibla ng iyong buhok ngayo’y animo’y damit na katatapos lang patakan ng isang baldeng zonrox na inihalo sa tubig. Pati na rin ang mga buhok mong gumuguhit sa iyong mga masisiglang mga mata ngunit ngayo’y parang bagut na bagot sa pagkakadilat.
bakas pa rin sayong mga kamay na wari’y inilubog sa isang basong tubig na may halong sabon na sobrang concentrated.batid kong pati rin sa iyong mga paa, kitang kita ko kung ilang milyang puitk na ang nilangoy mo upang makarating sa dako pa roon.nakita ko rin kung paanong ang kalyo ay tumubo sa mga palad ng iyong mga paana ni minsay di naranasang yumakap ng sapatos .bakas din sa dati m,ong maamong mukha na ngayo’y sinbangis na ng asong ulol, baliw,na humahabol ng isang manok.
Sinong mag aakala na sa mura mong edad ay mamumulat ka sa realidad.
sino ang mag aakala na sa walong taon mong pamamalagi sa mundo mong hitik sa pang aapi ay nabuhay ka ng nag iisa..
at sino pa…sino pa ang mag aakala na sa iyong paghihintay dito kita ulit masisilayan,…
sa isang simpleng higaan, isang higaan na kung saan ang puso mong said na sa kalungkutan at ang sikmura mong
walang laman ay nakahimlay kasama ng pagod mong katawan,
Tapos na iyong paghihirap,.Nawa’y sa langit ay mabusog ka ng pagmamahal….
ikaw
gusto kong dukutin at lasapin ang iyong mga mata at higupin ang iyong mga luha
upang malaman kung ito ay mapait o matamis ;
kung ang luha mo ay luha ng lungkot o pag asa.
ngunguyain kong parang pandesal na nabibili sa may agila ang iyong mga paa
at pipilitin kong di to misawsaw sa mainit na kape dahil alam kong baka mapaso ka.
Titiisin ko tong isubo upang malaman kung gaano kahirap ang maglakbay
at kung gaano na kalayo ang narating mo….
Kakagat kagatin ko ang mga kamay mong singkapal ng tsinelas na rambo
upang malaman ko kung gaano kabigat ang mga trabahong ginagawa mo
at kung gaano na karami ang natapos mo.
Sisimutin ko ang uatk mo tulad ng pagsimut sa bagong panis na pansit
ng mga batang musmos sa lansangan
na iniwan sa isa sa mga apo ni Eba.
Nanamnamin ko ng husto ang utak mo upang madagdagan ang mga prinsipyong dinadala ko
ngunit magtitira pa rin ako para maisip mo rin ako.
Hihigupin ko hanggang masaid ang puso mo
tulad sa paghigop ni bunso sa zesT-O na pasalubong ni ina kung saan.
Uubusin ko ang puso mo upang pagnatunaw ka na
kakalat ka sa buo kong katawan at mananatili ka rito.
Magiging bitamina ka na siyang susugpo sa lahat ng sakit ko.
….Pasensya ka na kong di kita masubo ng buo at kung bakit ito lang ang nakaya kong simutin..
.. natatakot kasi ako na baka kaiinin mo rin ang buo kong pagkatao…
"The frog principle"(The Law of Deterioration)
July 13, 2009—-> if u take an intelligent frog , happy frog and drop him in a bucket of boiling water, what will the frog do?
—> jump out!!! instantly, the frog decide: “This is no fun - I’m gone”
—-> and if u take the same frog or a relaive and drop him into A bucket of cold water, put the bucketon the stove and gradually heat up the bucket , and what then?…..
—-> the frog is relaxing… and a few minutes later he says to himself …”it seems warm in here”. Soon enough , you have a cooked frog..
What is the moral of the story?!!
>> life happens gradually.Like the frog!
>> we can be fooled and suddenly its too late.
>> We need to be aware of what is happening!!!
sila
July 9, 2009sa panulat maaring sabihin ang mga bagay bagay na hindi maipaabot ng bibig at sa mas malawak na perspektiba. Nagsusulat sila para magpalaya at magmulat. Nagsusulat sila tulak ng isang makapangyarihang dahilan, higit sa anopaman , mayroon silang pinag aalayan at kung bakit sa hindi natin lubusang alam at hindi na kailangang alamin, ang lahat ng akda n ila’y siguradong maganda ang kalalabasan. Ngunit tulad ng ibang gawainna kung iluwal ng masidhing paghangad ay mabubuo sa kabila ng kahit anong paghihirap. Ang mga akda nila’y susubok upang ipaliwanag ang talinghaga ng buhay at sa huli, upang muling patunayan na hindi kailangan ng salita upang magpaliwanag…
Hangad nilay makapag ambag sa kamulatan ng mga mambabasa upang sa kanilang sariling paraan ay maittaguyod ang tunay na pagbangon….
baliw
nababalot sa takot
kinakain ng lungkot
nag iisa…
nangungulilla…
umaasa…
blanko__________________________________________–
manhid….
tuliro…
balisa…
naroroon sa isang sulok
ngumangawa…
nngumingisi…
bumubulong…
at hanggang sa huli….
naghihintay…
nanabik…
nangangarap……………..
d ba totoo nman?
akala nati’y alam na natin ang lahat ng paraan para mabuhay at sumaya ngunit sa katotohanan wala tayong alam….
pilit tayong nagpapaliwanag ngunit lalo tayong nalilit…..
kung bakit sa dinami dami ng salita’y nauubusan tayo ng sasabihin para ipaliwanag ang mga bagay bagay
kung paano tayong pina iiyak ng mga masasayang alaala ng nakaraan…
at kung bakit sa maliit na bahay nakatira ang marami at sa malaki nakitira ang iilan….???
vanity of human wisdom
July 5, 2009” A generation goes and a generation comes,
but the earth remains forever.
The sun rises and the sun goes down and hastens to the place where it rises.
The wind blows to the south and goes round to the north;
round and round goes the wind and on its circiuts , the wind returns.
All streams run to the sea,
but the sea is not full;
to the place where the streams flow, there they flow again.
All things are full of weariness; a man cannot utter it;
the eye is not satisfied with seeing
nor the ear filled with hearing .
What has been is what will be,
what has been done is what will be done ;
and there is nothing new under the sun.
Is there a thing of which it is said,” see, this is new’?.
It has been already in the ages before us.
There is no remembrance of former things nor will there be any remembrance of later things yet to happen among those who come after………




