There is no remembrance of former things nor will there be any remembrance of later things yet to happen among those who come after………

Home » Archives » 09. July 2009

sila

July 9, 2009

sa panulat maaring sabihin ang mga bagay  bagay na hindi maipaabot ng bibig at sa mas malawak  na perspektiba. Nagsusulat sila para magpalaya at magmulat. Nagsusulat sila tulak ng isang makapangyarihang dahilan, higit sa anopaman , mayroon silang pinag aalayan at kung bakit sa hindi natin lubusang alam at hindi na kailangang alamin, ang lahat ng akda n ila’y siguradong maganda ang kalalabasan. Ngunit tulad ng ibang gawainna kung iluwal ng masidhing paghangad ay mabubuo sa kabila ng kahit anong paghihirap. Ang mga akda nila’y susubok upang ipaliwanag ang talinghaga ng buhay at sa huli, upang muling patunayan na hindi kailangan ng salita upang magpaliwanag…

Hangad nilay makapag ambag sa kamulatan ng mga mambabasa upang sa kanilang sariling paraan ay maittaguyod ang tunay na pagbangon….

Posted by tinta at 2:57 pm | permalink | Add comment

baliw

nababalot sa takot

kinakain ng lungkot

nag iisa…

nangungulilla…

umaasa…

blanko__________________________________________–

manhid…. 

tuliro…

balisa…

naroroon sa isang sulok

ngumangawa…

nngumingisi…

bumubulong…

at hanggang sa huli….

naghihintay…

nanabik…

nangangarap……………..

Posted by tinta at 2:53 pm | permalink | Add comment

d ba totoo nman?

akala nati’y alam na natin ang lahat ng  paraan para mabuhay at sumaya ngunit sa katotohanan wala tayong alam….

pilit tayong nagpapaliwanag ngunit lalo tayong nalilit…..

kung bakit sa dinami dami ng salita’y nauubusan tayo ng sasabihin para ipaliwanag ang mga bagay bagay

kung paano tayong pina iiyak ng mga masasayang alaala ng nakaraan…

at kung bakit sa maliit na bahay nakatira ang marami at sa malaki nakitira ang iilan….???

Posted by tinta at 2:45 pm | permalink | Add comment