There is no remembrance of former things nor will there be any remembrance of later things yet to happen among those who come after………

Home » Archives » 21. July 2009

bATA

July 21, 2009

bakas na sa iyong pagkatao ang kapaguran.Ang dating malago’t  kulay itim na hibla ng iyong buhok ngayo’y animo’y  damit na katatapos lang patakan ng isang baldeng zonrox na inihalo sa tubig. Pati na rin ang mga buhok mong gumuguhit sa iyong mga masisiglang mga mata  ngunit ngayo’y parang bagut na bagot sa pagkakadilat.

bakas pa rin sayong mga kamay na wari’y inilubog sa isang basong tubig na may halong sabon na sobrang concentrated.batid kong pati rin  sa iyong mga paa, kitang kita ko  kung ilang milyang puitk na ang nilangoy mo upang makarating sa dako pa roon.nakita ko rin  kung paanong ang kalyo ay tumubo sa mga palad ng iyong mga paana ni minsay  di  naranasang yumakap ng sapatos .bakas din sa dati m,ong maamong mukha na ngayo’y sinbangis na ng asong ulol, baliw,na humahabol ng isang manok.

 

 

Sinong mag aakala na sa mura mong edad ay mamumulat ka sa realidad.

sino ang mag aakala na sa walong taon mong pamamalagi sa mundo mong hitik sa pang aapi  ay nabuhay ka ng nag iisa..

at sino pa…sino pa ang mag aakala na sa iyong paghihintay dito kita ulit masisilayan,…

sa isang simpleng higaan, isang higaan na kung saan ang puso mong  said na sa kalungkutan  at ang sikmura mong

walang laman ay nakahimlay   kasama ng pagod mong katawan,

Tapos na iyong paghihirap,.Nawa’y sa langit ay mabusog ka ng pagmamahal….

Posted by tinta at 8:03 pm | permalink | Add comment

ikaw

gusto kong dukutin at lasapin ang iyong mga mata at higupin ang iyong mga luha                                         

upang malaman kung ito ay mapait o matamis ;

kung ang luha mo ay luha ng lungkot o pag asa.

ngunguyain kong parang pandesal na nabibili sa may agila ang iyong mga paa

at pipilitin kong di to misawsaw sa mainit na kape dahil alam kong baka mapaso ka.

Titiisin ko tong isubo upang malaman kung gaano kahirap ang maglakbay

at kung gaano  na kalayo ang narating mo….

Kakagat kagatin ko ang  mga kamay mong singkapal ng tsinelas na rambo

upang malaman ko kung gaano kabigat  ang mga trabahong ginagawa mo

at kung gaano na karami ang natapos mo.

Sisimutin ko ang uatk mo tulad ng pagsimut sa bagong panis na pansit

ng mga batang musmos sa lansangan

na iniwan sa isa sa mga apo ni Eba.

Nanamnamin ko ng husto ang utak mo upang madagdagan ang mga prinsipyong dinadala ko

ngunit magtitira pa rin ako para maisip mo rin ako.

Hihigupin ko hanggang masaid ang puso mo

tulad sa paghigop ni bunso sa zesT-O na pasalubong ni ina kung saan.

Uubusin ko ang puso mo upang pagnatunaw ka na 

kakalat ka sa buo  kong katawan at mananatili ka rito.

Magiging bitamina ka  na siyang susugpo sa lahat ng sakit ko.

 

….Pasensya ka na kong di kita masubo ng buo at kung bakit ito lang ang nakaya kong simutin..

.. natatakot kasi ako na baka   kaiinin mo rin ang buo kong pagkatao…

 

 

Posted by tinta at 7:39 pm | permalink | comments[1]