There is no remembrance of former things nor will there be any remembrance of later things yet to happen among those who come after………

Home » Archives » 13. July 2011

ALKANSYA

July 13, 2011

hapyos ng hanging malaya ang yumayakap

sa knilang kulong na katawan

sa gabing karton lang at dyaryoo ang nagmistulang

kumot at unan sa tabi ng lansangan

.

Tanging siya at ang kanyang mga kalarong

kagaya niya ang mistulang naging kanyang pamilya.

Nag uumpisa ang araw nila sa pangangalkal ng basura

makakita ng styroy silay tuwang tuwa

umaasang may laman pat may tira pa

upang magkalamn ang kanilang sikmukrang

nasasabik sa pagkaing sa ibay itoy basura.

Pakikipaghabulan sa mga nag uunahang sasakyan

ang tangi nilang laro sa ora sna tirik ang araw.

Sa ibay  perwesyo ang trapik

ngunit sa kanilay ito ay pagkakataon

upang maidampi ang kanilang pamunas sa sasakyan

at humingi ng kaunting barya at itatabi,

ilalagay sa latang may butas,

umaasang rarami iyon, makakaipon…

pambili ng kangyang mga pangarap.

Nagsisimulang ng kainin ng dilim angliwanag,

hayon silat nangangalkal ulit

pipiliting makahanap ng styro

umaasang may tira pa,

nasasabik,

nag uunahan sa paghahanap.

Pagkatapos niyoy babalik sa higaang karton at dyaryo,

Sa dakong iyon,

sa oras ding iyon

nagsisimula ang lahat,

Nagsisimulang managinip,

nagsisimulang mangarap

hawak ang latang barya ang laman,

umaasang mapupuno iyonn,

umaasang makakaipon,

pambili,pambili ng kanyang mga pangarap…..

Posted by tinta at 9:02 pm | permalink | Add comment